Person of interest sa Lapid slay, 8 na-DOJ

Person of interest sa Lapid slay, 8 na-DOJ

October 28, 2022 @ 7:01 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa walo ang itinuturing na person of interest ng Department of Justice (DOJ) sa pagpatay sa batikang brodkaster Percy Lapid.

Anang DOJ, ang isa rito ay hawak ng Bureau of Corrections at tatlo naman sa Philippine National Police.

Sa paglutang ng ate ng middleman na si “Marisa” dito niya isiniwalat na pinatay ang kanyang kapatid na si Jun Villamor matapos na sumuko ang self-confessed gunman na si Joel Escorial.

Bago mamatay si Villamor nakapagpadala pa umano ito ng mensahe sa kanyang ate at sinabi na ang mga pangalan na naroon ang maaaring nasa likod kapag may mangyari sa kanyang masama.

Nilinaw naman ni DOJ Spokesperson Atty. Mico Clavano na hindi text message gamit ang selpon kundi ang app na Messenger ang pinagpadalhan ng middleman ng mensahe sa kanyang ate.

Nakikipag-ugnayan na aniya ang DOJ sa pamunuan ng Facebook hinggil dito.

Si Marisa ay nasa ilalim ng Witness Protection Program kasama ang ilang kamag-anak. Teresa Tavares