‘Person of interest’ sa pagpatay sa 5 PDEA agents, iniimbestigahan na!

‘Person of interest’ sa pagpatay sa 5 PDEA agents, iniimbestigahan na!

October 8, 2018 @ 2:02 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief PDG Oscar Albayalde na mayroon nang person of interest na nasa likod ng pananambang sa limang miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong nakaraang linggo sa Lanao del Sur.

Ayon kay Albayalde sa press conference ngayong Lunes, inatasan na niya ang Regional Director ng PRO-11 para paigtingin ang imbestigasyon sa naturang insidente.

Ang kampanya kontra iligal na droga sa lugar ang tinitignan ng mga awtoridad na motibo sa pagpatay.

Matatandaan na limang PDEA agents at isang NUP ang nasawi sa pananambang.

Sa nakalap na report, galing umano ang pito sa isang aktibidad para sa mga drug surrenderee sa Tagoloan police station at nakasakay ng van patungo sana sa Marawi City nang sila ay pagbabarilin nang hindi pa nakilalang mga suspek na pawang armado ng malalakas na uri ng armas sa Barangay Malna. /Remate News Team

Read: 5 PDEA agents, patay sa ambush