Person of interest sa Percy Lapid slay, hawak na ng NBI

Person of interest sa Percy Lapid slay, hawak na ng NBI

November 3, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hawak na ng Bureau of Investigation (NBI) ang isang person of interest sa pagpatay sa broadcaster na si Percy ‘Lapid’ Mabasa.

Sa ulat, dumating sa Ninoy Aquino International Airport ang persons of interest alas-7 kagabi sakay ng Cebu Pacific flight mula Puerto Princess Palawan na nakasuot ng bulletproof vest at helmet.

Nakaposas din ito nang eskortan ng mga ahente ng NBI.

Maalala na sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na tinitignan ng Department of Justice (DOJ) ang dalawang persons of interests na maaring mastermind sa likod ng pagkamatay ni Lapid at ang umano’y middleman sa planong pagpatay kay Jun Villamor.

Sa isang press briefing, sinabi ng kalihim na ang DOJ ay nasa pinal nang yugto ang kanilang imbestigasyon.

“The investigation is almost over. It’s a matter of filing cases and probably being able to identify masterminds in these cases,” saad ni Remulla.

Sinisigurado lamang aniya nila na ginagawa nila ang lahat ng naayon sa batas. Jocelyn Tabangcura-Domenden