Personal data ng 20K indibidwal nakompromiso sa S&R cyber-attack

Personal data ng 20K indibidwal nakompromiso sa S&R cyber-attack

November 25, 2021 @ 9:58 AM 3 days ago


MANILA, Philippines – Nakompromiso ang personal na datos ng nasa 20,000 indibdiwal sa naganap na cyber-attack sa S&R Membership Shopping, ayon sa National Privacy Commission.

“The company submitted a supplemental breach report today, Nov. 24, 2021, confirming that the subject of the ransomware attack was the S&R membership system affecting twenty-two thousand (22,000) data subjects,” pahayag ng NPC.

Ayon sa ulat, sinabi ng NPC na nakuha sa atake ang mga araw ng kaarawan, numero, at kasarian ng piling myembro ng S&R.

Sa kabila nito, wala naman umanong credit cards at ibang financial information ang nakompromiso, pagsisiguro naman ng NPC.

“They informed the Commission that they instituted measures to secure their system, recover compromised data, prevent further disclosure, and recurrence of similar attacks,” giit ng komisyon.

Inihayag din ng NPC na obligado ang S&R na kokontakin ang mga indibidwal na nasapul ng cyber-attack.

Inatasan din ng NPC ang shopping center na magpasa ng technical report mula sa kanilang third-party cyber-security firm. RNT