Personal na away sinisilip na motibo sa 5 minasaker sa Bulacan

Personal na away sinisilip na motibo sa 5 minasaker sa Bulacan

July 26, 2022 @ 6:16 PM 2 weeks ago


BULACAN-Hustisya ang isinisigaw ng mga naulilang mahal sa buhay ng limang mananabas na tinortyur bago pinatay sa kagubatan ng Brgy. Camachile, Doña Remedios Trinidad (DRT).

Base sa report, iisa ang paniwala ng mga nauilang kaanak na hindi na pinangalanan, naipit sa away-lupa ang mga biktima.

Sinasabing itinanggi naman ng may-ari ng lupa na land dispute ito, ikinagulat din nila ang nangyari at payag silang makipagtulungan sa imbestigasyon ng kaso.

Samantala, personal na away naman ang tinitignan ng mga awtoridad, subalit hirap silang makakuha ng saksi o living witness dahil sa lawak ng kagubatan.

Pabigat din sa kanilang imbestigasyon ang medyo huli na nang mai-report sa pulisya ang nangyaring insidente nitong umaga ng Lunes sa gubat.

Ayon sa report ng DRT police, nai-report sa kanila ang insidente bandang 11:15 ng umaga ng isang concern citizen na may nangyaring pamamaril sa lugar.

Dahil dito, agad silang rumesponde sa lugar hanggang tumambad sa kanila ang mga biktimang sina Pampilo Bonaga, 55, Carlito Servano, 48, Pola Servano, Antonio Servano, 45 at Angelo Del Castillo kapwa residente ng Sito Armstrong, Brgy. Canachile.

Nalamamg may mga pasa at tama ng bala ng baril ang mga nakasubsob,nilalanggam at duguang mga biktima.

Samantala, napag-alamang bumuo na ang pulisya ng joint investigation team sa naturang insidente.

Kasabay nito, humingi na ng tulong sa kinauukulan ang mga naulila para mabilis na makamit ang hustisya at humingi na rin ng tulong ang mga ito sa pagpapalibing ng mga biktima. Dick Mirasol III