Personal na galit motibo sa pagpatay sa titser sa S. Kudarat

Personal na galit motibo sa pagpatay sa titser sa S. Kudarat

November 8, 2022 @ 8:20 AM 4 weeks ago


LEBAK, Sultan Kudarat- PERSONAL na galit ang isa sa tinitignan motibo ng Philippine National Police (PNP) sa pananambang-patay sa isang teacher-editorial cartoonist noong Sabado ng gabi.

Ayon kay deputy regional director for operations ng Police Regional Office-12 PCol Jean Fajardo, mayroon na silang persons of interest sa pagpatay kay Benharl Capote Kahil at hinihinalang matinding galit ang motibo sa krimen.

Matatandaan, bandang 10:00 PM ng maganap ang krimen sa Barangay Pasandalan, Lebak habang sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at pauwi na sana sa kanilang tahanan.

Dead-on-the spot ang biktima sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan habang mabilis na nakatakas ang mga suspek.

Sinabi pa ni Fajardo maliban sa personal na galit hindi rin inaalis na may posibilidad na may kinalaman sa trabaho ang motibo sa krimen.

Nagpapatuloy ang ginagawang masusing imbestigasyon ng pulisya para sa ikadarakip ng mga suspek at mapanagot ./Mary Anne Sapico