‘Personalized’ text scammers, malapit nang matuldukan sa pagpasa ng SIM card registration bill – Poe

‘Personalized’ text scammers, malapit nang matuldukan sa pagpasa ng SIM card registration bill – Poe

September 14, 2022 @ 4:21 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ni Senador Grace Poe na malapit nang matuldukan ang “personalized” text scammer at iba pang uri ng panloloko matapos aprubahan ng Senado ang SIM card registration bill, ayon kay Sen. Grace Poe nitong Miyerkoles.

Sa pahayag, sinabi ni Poe na isang kongkretong hakbang ang SIM Card Registration Bill upang masugpo ang may masamang intensiyon na scammer at criminal na nagtatago sa ilalim ng anino nang kawalan ng pagkakakilanlan.

“Hindi tayo nag-iisa sa ganitong uri ng patakaran. Matinding nakahilig ang buong mundo pabor sa SIM registration. May kabuuang 157 bansa ang gumawa ng ganitong batas na kailangan iparehistro ang SIM card kabilang ang mga bansang may pinakamataas na pagpapahalaga sa data privacy rights,” ayon kay Poe, chairman ng Senate public services committee.

Sa Pilipinas, ikinalungkot ni Poe na mas matindi ang sitwasyon, “Ang nag-improve lang ay ang creativity ng mga manloloko: Kung dati, template message lang ang laman ng mga text scams, ngayon kasama na pati ang buong pangalan.”

Gamit ang bilang ng scam texts, sinabi ni Poe na: “Nakakalula. We don’t even need to look far to find a concrete example of all these scams: Buksan mo lang ang cellphone mo at mabibilang mo na kung ilang scam at spam messages ang na-re-receive mo kada araw.”

Sinabi pa ni Poe na nakatakda sa panukala, tinanggal ang salitang “card” sa “SIM card” upang bigyang daan ang bagong uri ng SIM na nakapaloob sa card formed tulad ng eSIM.

“We are future-proofing a regulation that deals with technology to ensure that this law will adapt to the creative ways of fraudsters,” ayon kay Poe.

Tinukoy pa ng senador na kailangan itakda sa panukala ang kailangang pamamaraan na maggagarantiya sa proteksiyon ng datos at privacy ng mamamayan.

“Telcos are tasked to keep the submitted information safe and secure in a centralized database. To ensure the protection of our data and to keep the telcos in check, the DICT (Department of Information and Communications Technology) is mandated to perform an annual audit of the telcos’ compliance with the proper information security standards,” ayon kay Poe.

“Heavy emphasis is placed on the absolute confidentiality of submitted information, and disclosure is only allowed upon a court order or subpoena, or with the consent of the subscriber, or in compliance with the Data Privacy Act. Any breach of confidentiality will be punished,” dagdag niya.

Nanatili din sa panukala ang probisyon na nagsasabing anumang pagdududa sa interpretasyon sa alinmang probisyon at implementing rules and regulations (IRR) na bigyang kahulugan sa pamamaraan na maisaisip ang karapatan at interes ng SIM card subscribers.

Nakataka sa panukala na kailangan maiparehistro ang SIM bago ito magamit na may pangangailangan ng magsumite ang buyer ng electronic registration form at magbigay ng kasalukuyan na balidong ID mula sa gobyerno o katulad na dokumento bago magamit ang SIM.

“Though the measure is “not the panacea to all the ills and evils proliferating in the telecommunications system,” its passage is certainly a step forward in addressing rampant SIM-aided fraud in the country, ayon kay Poe. Ernie Reyes