PESO Helpdesk, NavoProdukto corner binuksan kasabay ng Christmas tree lighting

PESO Helpdesk, NavoProdukto corner binuksan kasabay ng Christmas tree lighting

November 23, 2022 @ 7:08 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Opisyal nang sinimulan ng lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas ang pagsisimula ng Christmas season at ang pagbubukas Public Employment Service Office (PESO) Helpdesk and NavoProdukto Corner.

Personal na pinangunahan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang Christmas tree lighting ceremony at ribbon-cutting ng Navotas Christmas Bazaar sa Navotas Citywalk at Amphitheater.

Kasali sa bazaar ang 36 na Navoteño na mga negosyante na sinimulan Nobyembre 21 hanggang Disyembre 22, alas-5:00 ng hapon hanggang alas-12:00 ng hating gabi.

Samantala, binuksan sa lungsod at si Mayor John Rey Tiangco ang nanguna sa pagbubukas ng Public Employment Service Office (PESO) Helpdesk at NavoProdukto Corner sa lungsod.

“Ang PESO Helpdesk provides information to Navoteño jobseekers and aspiring entrepreneurs on the services it offers and the programs of NavotaAs Hanapbuhay Center such as Tulong Trabaho, Tulong Puhunan, among others”, ani Mayor Tiangco.

Tampok naman sa NavoProdukto Corner ang mga produktong gawa at ginawa sa Navotas tulad ng fish paste o bagoong, patis, dried anchovy chips, dried squid at canned seafood. R.A Marquez