PESO Helpdesk, NavoProdukto Corner inilunsad sa Navotas

PESO Helpdesk, NavoProdukto Corner inilunsad sa Navotas

November 24, 2022 @ 1:26 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Pinangunahan ni Navotas Mayor John Rey Tiangco ang paglulunsad ng Public Employment Service Office (PESO) Helpdesk at NavoProdukto Corner sa Navotas City Hall Lobby.

Ang PESO helpdesk ay layon na matulungang maghanap ng trabaho ang mga Navoteño, mag avail ng iba’t ibang programa ng Hanapbuhay Center tulad ng TUPAD, Livelihood Programs, at Tulong Puhunan at iba pa. Tampok naman sa NavoProdukto Corner ang mga produktong proudly Navotas-made. Jojo Rabulan