PETCs nagpasaklolo kay Sec. Bello

PETCs nagpasaklolo kay Sec. Bello

February 21, 2022 @ 9:38 AM 4 months ago


Manila, Philippines-Nagpasaklolo ang libo-libong  empleyado ng Private Emmission Testing Centers kay Labor Secretary Silvestre Bello makaraang ibasura ng  Department of Transportation ang  kanilang aplikasyon para sa operasyon ng kanilang smoke emission testing sa buong bansa.

Ayon sa PETCs, binalewala ng DOTr ang kautusan   ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pag-aralan  nila na muling i-renew  ang kanilang authorization para makapag-operate at mapangalagaan ang  kalikasan dahil maraming sasakyan ang tumatakbo sa kalsada na sobrang mausok.

Agad na humingi ng tulong ang PETCs kay Bello dahil maraming trabahador ang nawalan ng trabaho, na lalong naghikahos dahil sa pandemya, matapos hindi bigyan ng permit-to-operate ang PETCs na kahit walang kasalanan ay sinisibak ng  pamunuan ng DOTr sa tanggapan ni Usec. Artemio  Tuazon.

Ayon  kayJun  Evangeslita, pangulo ng Alagaan Natin Inang Kalikasan, sa bawat pagsibaksa  kanilang mga  samahan ng PETCs ay pinapalitan ito ng PMVIC   na  wala namang karapatan na magsagawa ng smoke  emission.

Ang masaklap nito, mga nakaupong opisyal ang mga operator ng PMVICs na tahasang nilalabag  ang mandato ng Clean Air Act. Section 21 at DOTR  Department Order 2016-020 na pansariling interes ang umiral at sumusuway sa kautusan ng Pangulo  at ng Senado.

Halos ubos na ang mga miyembro ng PETC kaya  nagpasaklolo na sila kay Sec. Bello sa dahilang   nagugutom na ang kanilang mga empleyado at upang muling iparating kay Pangulong Duterte at Senator Grace Poe ang pangwawalanghiya ng mga  kawani ng DOTr at pansariling interes na umiiral sa  loob ng LTO at DOTr.

Isa umanong director ng LTO ang utak para iligaw at sirain ang kautusan ng Pangulo at Senado para mapaboran ang PMVIC na maging kapalit ng PETCs.

Ayon sa PETCs,  magsasagawa sila ng kilos-protesta  kaugnay sa ginawang pambabastos sa kanila at sa umano’y sobrang korapsyon ng DOTr. RNT