Petisyon ng partylist, political group solong sakop na ng Comelec

Petisyon ng partylist, political group solong sakop na ng Comelec

January 6, 2023 @ 7:39 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec)  na mayroon na itong eksklusibong hurisdiksyon sa mga petisyon na may kinalaman sa citizens arm,  political parties at party-list groups at organisasyon.

Ang Comelec Resolution No. 10878 ay may bisa na ngayon na ilipat ang lahat ng petisyon na nakabinbin sa mga Dibisyon ng Komisyon sa Commission en banc.

“Exceptions to this rule will apply when the opposition has already been filed,” ayon sa poll body

Sa ilalim ng resolusyon, ang en banc ngayon ay may eksklusibong hurisdiksyon sa mga petisyon nanmay kinasasangkutan ng mga sumusunod.

  • Anumang grupo o organisasyon na nais magparehistro bilang isang partidong pampulitika, party-list at koalisyon; at

  • Anomang bonafide non-partisan na grupo, asosasyon, o organisasyon mula sa civic, youth, professional, educational, business, o labor sectors na may leadership , membership, at structure, at may ipinakitang kapasidad na itaguyod ang pampublikong interes at tulungan ang Komisyon sa  pagganap ng mga tungkulin at aktibidad nito na naghahanap ng akreditasyon bilang  citizens’ arms ng Komisyon.

“Any opposition filed against these petitions for registration and accreditation shall then be transferred and raffled to either the Comelec First or Second Division,” sabi ng Comelec.

Dagdag pa ng Comelec na ang resolusyon sa petition for registration o accreditation ay makakamit ng finality sa loob ng limang araw mula sa pagtanggap ng mga kinauukulang partido — maliban kung ang Korte Suprema ay naglabas ng restraining order laban sa Comelec en banc decision , o kung ang isang mosyon para sa muling pagsasaalang-alang ay inihain laban sa desisyon ng isang Comelec Division.

Ipinaliwanag ng poll body na naayon ito sa pahayag ng Korte Suprema sa Georgidi B. Aggabao us. Commission on Elections, which was promulgated on July 26, 2022. Jocelyn Tabangcura-Domenden