Petisyon ni De Lima ibinasura ng CA

Petisyon ni De Lima ibinasura ng CA

August 31, 2022 @ 5:12 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Ibinasura ng Court of Appeals ang petisyon ni dating senador Leila De Lima na kumukwestyon sa Senate rules na nagbawal sa kaniya na dumalo sa mga committee meeting at pagdinig habang siya ay nakakulong.

Sa limang pahinang ruling ng CA 10th Division ibinasura ang petition for certiorari ni De Lima dahil sa pagiging walang saysay.

Ayon sa CA hindi na senador si De Lima kaya hindi na kailangan ang hatol ng appellate court.

Hindi nakapasok si De Lima sa top 12 sa katatapos na senatorial elections. Teresa Tavares