Petisyon ni Yang sa SC pampagulo lang sa Senate probe – Gordon

Petisyon ni Yang sa SC pampagulo lang sa Senate probe – Gordon

November 26, 2021 @ 11:52 AM 2 days ago


Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Richard Gordon na ang paghahain ng petisyon ni Chinese businessman at dating presidential economic adviser Michael Yang sa Korte Suprema ay bahagi lamang umano ng ‘desperate attempt’ upang guluhin ang imbestigasyon ng Senado sa kwestyonableng pagbili ng COVID-19 supplies.

Ito ay makaraang hilingin ng legal counsel ni Yang na si Atty. Raymond Fortu na i-void ang arrest order na inisyu ng Senado maging ang lookout bulletin na galing naman sa Bureau of Immigration.

 Pinatitigil niya rin dito ang Senate committee sa pagre-request na magsumite ng dokumento at impormasyon sa kanyang mga ari-arian.

“Ang pagsampa niya ng kaso sa Korte Suprema ay bahagi ng desperadong tangkang pagpapaikot sa Senate Blue Ribbon Committee sa isinasagawa nitong imbestigasyon sa katiwaliang naganap sa gitna ng pandemya,” dagdag pa ni Gordon. RNT/FGDC