Petisyong taas-pamasahe tinabla ng LTFRB

Petisyong taas-pamasahe tinabla ng LTFRB

March 19, 2022 @ 9:30 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Tinanggihan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Biyernes ang petisyon ng transport groups na dagdagan ng P1 ang minimum fare.

Dahil dito, mananatili sa P9 ang minimum fare sa unang apat na kilometro.

Naglabas ang LTFRB ng resolusyon na nagbabasura sa hirit ng petitioners na kinabibilangan ng 1-UTAK, PASANG MASDA, ALTODAP AND ACTO na isinusulong na taassan ang minimum fare mula P9 sa P14.

“In justifying its decision, the Board said it had to judiciously balance the rights of the riding public who are mostly dependent on the public transport system vis-à-vis the right of the operators to financial returns,” pahayag ng ahensya.

Base sa LTFRB, hindi nito kayang maging insensitibo sa kalagayan ng mga Pilipino tuwing nagtataas ang presyo ng mg bilihin.

Binanggit din ng ahensya ang paninindigan ng National Economic Development Authority (NEDA) na ang pagtataas ng pamasahe ay may epekto sa “inflammatory expectations”.

“NEDA stated that any petition for fare adjustment, permanent or provisional, is a matter of paramount public importance as it will create an accelerated increase on the prices of basic commodities and services,” giit ng LTFRB.

Upang maresolba ang epekto ng fuel price hike, Tinilahad ng LTFRB na sinimulan na nito ang pamamahagi ng fuel subsidies na nagkakahalaga ng P6,500 sa public utility vehicles (PUVs) at patuloy na mamimigay ng ayuda hanggang Marso sa 377,433 benepisyaryo. RNT/SA