Petition for review ng magulang ni Atio Castillo vs Dean Nilo Divina, ibinasura ng DOJ

Petition for review ng magulang ni Atio Castillo vs Dean Nilo Divina, ibinasura ng DOJ

July 18, 2018 @ 4:57 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Pinawalang saysay ng Department of Justice (DOJ) ang petisyon na inihain ng kampo ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III laban sa Dean ng College of Law ng University of Santo Tomas (UST).

Ang petition for review ng kampo ni Atio ay naglalayon na muling makasuhan si Dean Nilo Divina, na alumnus din ng Aegis Juris fraternity na sangkot sa kaso.

Batay sa record, natagalan ang pagsusumite ng apela ang kampo ni Atio matapos matanggap ang resolution kaya napawalang saysay o ibinasura ang kanilang petisyon ni Justice Undersecretary Antonio Kho, Jr.

Nabatid na mayroon lamang 15 araw upang isampa ang petition for review simula ng matanggap ang resolution subalit naghain ng petition umano ang pamilya Castillo 35 araw matapos na matanggap ang resolution.

Lumilitaw na matapos na maabsuwelto si Divina sa kasong may nalalaman ito sa naganap na hazing, umapela ang pamilya Castillo na kasuhan ng hazing at obstruction of justice.

Sina Marcelino Bagtang, Ralph Trangia, Nathaniel Anarna, Alex Bose, Lennert Bryan Galicia, Lelo Lalusis, John Iron Padro, Mizraim Siazar I, Karl Matthew Villanueva, at Arthur Capili na pawang mga miyembro ng Aegis Juris fraternity ay kinasuhan ng hazing sa Manila Regional Trial Court.

Nakatakda ang arraignment July 24 sa branch 20. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)