Petition to review ng Rappler sa desisyon ng SEC, ibinasura ng Court of Appeals

Petition to review ng Rappler sa desisyon ng SEC, ibinasura ng Court of Appeals

July 27, 2018 @ 7:21 AM 5 years ago


 

 

Manila, Philippines- Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang petition to review na isinumite ng Rappler Inc. at Rappler Holdings Inc.

Matatandaan na ang Rappler ay nagsumite ng petisyon para muling basahin ng Korte ang desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) na bawiin ang Certificate of Incorporation ng Rappler Inc at Rappler Holdings Corp. dahil sa kabiguan nitong sumunod sa batas ng bansa.

Bukod sa pagpirma sa direktiba, inutusan din ni CA Associate Justice Rafael Antonio M. Santos ang SEC para “conduct an evaluation of the legal effect of the alleged supervening donation made by Omidyar Network of all its Philippine Depositary Receipts to the Staff of Rappler Inc.”

Samantala, konektado sa direktibang inilabas, sinasabing ang kaso ay muling hahawakan ng SEC. (Remate News Team)