Petsa ng BARMM regular elections, ipinalilipat

Petsa ng BARMM regular elections, ipinalilipat

October 29, 2022 @ 4:01 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nais ipalipat ng petsa ng magkapatid na mambabatas mula Lanao del Norte ang kauna-unahang regular na eleksyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kina Lanao del Norte 1st district Rep. Khalid Dimaporo at Lanao del Norte 2nd District Rep. Sittie Aminah Dimaporo, nais nilang ipagpaliban ang halalan kung kaya’t naghain sila ng magkahiwalay na panukala, ang House Bill (HB) 4213 at HB 4220.

Sa ilalim ng HB 4213 na inihain ni Rep. Sittie, nais nitong maisabayang kauna-unahang BARMM regular elections sa 2028 national and local elections (NLEs).

Samantala, ang HB 4220 naman ni Rep. Khalid ay magsasabay ng BARMM elections sa 2031 NLEs.

Kung babalikan, orihinal na itinakda ang regular elections ng BARMM ngayong taon ngunit iniurong ito sa 2025 sa pamamagitan ng Republic Act 11593 ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng panukala ng magkapatid na mambabatas, mananatiling ang BTA ang magiging interim government at kung maaprubahan, ang mga posisyon ay idedeklarang bakante.

Ang 80 bagong BTA interim members naman ay itatalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at manunungkulan hanggang 2028 o 2031 depende kung alin sa dalawang panukala ang maisabatas. RNT/JGC