Petsa ng F2F oathtaking sa mga bagong pharmacists inanunsyo ng PRC

Petsa ng F2F oathtaking sa mga bagong pharmacists inanunsyo ng PRC

November 28, 2022 @ 7:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Professional Regulation Commisison (PRC) ngayong Nobyembre 28 ang petsa ng face-to-face oathtaking para sa bagong Pharmacists at Chemical Engineers.

Ayon sa PRC, ang panunumpa ng bagong Pharmacist ay gagawin sa Disyembre 15 ganap na alas-1:00 ng hapon na gaganapoin sa Plenary Hall ng Philippine International Convention Center sa Pasay City.

“After the oathtaking,inductees shall proceed with their Initial Registration by securing an online appointment at http://online.prc.gov.ph simula Disyembre 16,19-21 at 26-28,” sabi ng PRC.

Samantala, ang in-person ceremony para sa bagong Chemical Engineers ay sa Enero 21 dakong ala-1 ng hapon na gaganapin sa Lispher Inn sa Davao City.

Ang mga inductees ay maari ding magpatuloy sa kanilang Initial Registration sa pamamagitan ng pagkuha ng online appointment sa http://online.prc.gov.ph simula Enero 26, 2023 pagkatapos ng kanilang oathtaking.

Lahat ng inductees ay pinayuhan na magdala ng kanilang COVID-19 vaccination card o negative RT-PCR results na isinagawa sa loob ng 48 oras bago ang panunumpa.

Ang mga hindi makakadalo sa face to face ceremony ay maaring dumalo sa online oathtaking o mag-request ng special oathtaking, ayon pa sa PRC. Jocelyn Tabangcura-Domenden