Pfizer-BioNTech kinasuhan ng Moderna

Pfizer-BioNTech kinasuhan ng Moderna

August 27, 2022 @ 10:49 AM 1 month ago


USA – Kinasuhan ng Moderna ang Pfizer at BioNTech na karibal nito sa paggawa ng mga bakuna.

Ang kaso ay may kaugnayan sa pagkopya umano ng magkasosyo sa patent ng Moderna sa pagbuo ng kanilang COVID-19 shot na naibigay sa daan-daang milyon sa buong mundo.

Isanampa ng Moderna ang kaso sa Massachusetts, at saDusseldorf, Germany.

“Moderna believes that Pfizer and BioNTech’s COVID-19 vaccine Comirnaty infringes patents Moderna filed between 2010 and 2016 covering Moderna’s foundational mRNA technology,” saad ng kompanya.

“This groundbreaking technology was critical to the development of Moderna’s own mRNA COVID-19 vaccine, Spikevax. Pfizer and BioNTech copied this technology, without Moderna’s permission, to make Comirnaty,” dagdag pa ng Moderna.

Ang mRNA technology na ginamit sa Moderna at Pfizer-BioNTech sa pagbabakuna ay naiiba sa mga tradisyunal na bakuna, sa na nagtuturok ng mahina o patay na uri ng virus para masanay ang immune system dito at makabuo ng depensa.

Sa halip, ang mga mRNA vaccines ay nag-aatas sa mga cells na bumuo ng isang hindi nakakapinsalang spike protein na matatagpuan sa ibabaw ng virus na nagdudulot ng COVID-19.

Pagkatapos likhain ang spike protein na ito, makikilala at malabanan ng mga cell ang totoong virus. RNT