Pfizer COVID booster mabisa vs Omicron batay sa Israeli study

Pfizer COVID booster mabisa vs Omicron batay sa Israeli study

December 12, 2021 @ 1:48 PM 10 months ago


JERUSALEM- Sinabi ng Israeli researchers nitong Sabado na natuklasan nilang epektibo ang three-shot course ng Pfizer/BioNTech coronavirus disease (COVID-19) vaccine laban sa bagong omicron variant.

Katulad ang resultang ito ng ipinresenta ng BioNTech and Pfizer nitong Linggo, na maaaring patunay na booster shots ang sagot sa proteksyon mula sa impeksyon mula sa bagong variant.

Sa pag-aaral na isinagawa ng Sheba Medical Center at ng Health Ministry’s Central Virology Laboratory, kinumpara ang dugo ng 20 katao na naturukan ng dalawang vaccine doses na mas maaga ng lima hanggang anim na buwan sa parehong bilang ng mga indibidwal na naturukan ng booster isang buwan na ang nakalilipas.

“People who received the second dose 5 or 6 months ago do not have any neutralization ability against the omicron. While they do have some against the Delta (strain),” ani Gili Regev-Yochay, direktor ng Infectious Diseases Unit sa Sheba.

“The good news is that with the booster dose it increases about a hundred fold. There is a significant protection of the booster dose. It is lower than the neutralization ability against the Delta, about four times lower,” dagdag niya.

Sinabi naman ng Israeli team na ginamit nila ang mismong virus habang gumamit naman ang mga kompanya ng pseudovirus na bio-engineered upang magkaroon ng hallmark mutations ng omicron.

Sinusundan ng Israeli team ang pag-aaral sa South Africa kung saan natuklasan na kaya ng Omicron na iwasan ang proteksyon mula sa dalawang doses ng bakuna laban sa COVID-19. RNT/SA