Pfizer maghahain ng emergency use para sa anti-COVID pill

Pfizer maghahain ng emergency use para sa anti-COVID pill

January 14, 2022 @ 7:51 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Inilahad ng Food and Drug Administration (FDA) na nakatakdang magsumite ang Pharmaceutical giant Pfizer ng aplikasyon para sa emergency use ng kanilang anti-COVID-19 pill Paxlovid sa Pinas.

“Mayroon pong intensyon ang Pfizer na magrehistro po ng produkto nila under an EUA application,” said FDA officer-in-charge Oscar Gutierrez Jr. in a government briefing.

Sinabi pa ni Gutierrez nagsagawa na ang FDA at Pfizer ng paunang pag-uusap ukol sa EUA requirements para sa COVID-19 pill.

“Kasi kung matatandaan po, itong Paxlovid, December 22, 2021 lang po ito na-approve. Talagang expected naman po na mayroong mga requirements ang FDA under an EUA na hindi pa po maaaring mai-submit,” paliawang ng FDA OIC.

Nauna nang nabigyan ng FDA ng compassionate special permit ang generic na version ng nasabing pill na Bexovid. RNT