Pfizer Omicron vaccine inaasahang ilalabas sa Marso

Pfizer Omicron vaccine inaasahang ilalabas sa Marso

January 11, 2022 @ 12:26 PM 7 months ago


NEW YORK – Inaasahan ng drug manufacturer Pfizer na mailalabas na ang kanilang COVID-19 vaccine na tumatarget sa Omicron variant sa Marso.

“This vaccine will be ready in March,” ani Pfizer Chief Executive Officer Albert Bourla sa CNBC. “I don’t know if we will need it. I don’t know if and how it will be used.”

Sinabi pa niya na ang kasalukuyang dalawang turok at booster shot ng Pfizer vaccine ay gumagana naman laban sa Omicron pero mas mainam pa rin umano kung may bakunang tatarget sa partikular na strain.

Bourla said the existing regime of two vaccine shots and a booster has provided “reasonable” protection against serious health effects from Omicron.

Sa hiwalay naman na interbyu rin sa CNBC, sinabi ni Moderna CEO Stephane Bancel na bumubuo na sila ng booster shot kontra Omicron variant at maaaring ilabas ito ngayong 2022.

“We are discussing with public health leaders around the world to decide what we think is the best strategy for a potential booster for the fall of 2022,” ani Bancel sa network.

“We need to be careful to try to stay ahead of a virus and not behind the virus,” dagdag pa niya. RNT