Pfizer vaccine mula COVAX para lang sa mahihirap – Galvez

Pfizer vaccine mula COVAX para lang sa mahihirap – Galvez

June 2, 2021 @ 2:39 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Hindi maaaring ibigay sa mga hindi kabilang sa indigent population ang Pfizer vaccines na mula sa covax facility.

Sinabi ni vaccine czar sec. Carlito Galvez na malinaw ang direktibang ibinigay ng covax facility at ni pang. Rodrigo Duterte ukol sa mga dapat na mabigyan ng bakuna na mula sa pfizer na nasa ilalim ng targeted population at iyong mga mabibigyan naman ng vaccine na Ito na mula sa Covax.

Aniya, ang Pfizer na na hindi manggagaling sa covax facility ay talagang ilalaan para sa mga healthcare workers, senior citizens at may mga comorbidities na kabilang sa targeted population.

Subalit, ang mga manggagali]ng naman COVAX facility ay talagang ibibigay sa mga indigent population sa Ilalim ng A5 Category group At hindi aniya ito maaring ibigay sa mga hindi naman maituturing na mga indigenous People.

Sinabi nito na ang mga nasa A4 Category naman ani galvez, ang ibibigay aniya sa mga ito ay iyong mga procured vaccines gaya ng Moderna, Sinovac, Gamaleya aT kalaunan ay ang AstraZeneca na Inangkat ng private sectorS na nakatakda narin aniyang dumating sa bansa.

Samanrtala, sigurado nang makukuha ng bansa ang inaasam asam na population protection sa sandaling matapos na ang pagbabakuna sa mga nasa A1, A2 at A3 category.

Tinatayangang , nasa 19 hanggang 25 milyon ang kabilang sa mga nabanggit na priority group.

Sa ngayon aniya ay naka 93 percent nang pagbabakuna sa hanay ng A1 group o ang mga health workers.

Sinasabing nasa 9.8 million naman na mga senior citizen o ang mga nasa A2 group ay nasa 1.3 million pa lang ang nababakunahan kayat  nagbabahay – bahay na aniya ang ilang LGU o di kayay sinusundo na ang mga senior papunta sa vaccination site.

Mula naman sa  5 million target population ng mga nasa A3 group o ang mga may commorbidities ay nasa 1. 17 million na ang nabakunahan na inaasahang tataas pa sa pagdating ng mas marami pang bakuna. Kris Jose