Pfizer vax sa edad 5-11 darating na; ospital na pagtuturukan tinukoy na

Pfizer vax sa edad 5-11 darating na; ospital na pagtuturukan tinukoy na

January 31, 2022 @ 2:43 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Inaasahang darating na sa loob ng linggong ito ang inangkat ng pamahalaan na Pfizer vaccine.

Ayon kay acting Presidential spokesperson cabsec. Karlo Nograles, reformulated ang vaccine na ito na eksklusibong ibibigay o ituturok sa mga batang nasa lima hamggang labing isang taong gulang.

Pahayag ni Nograles, nakatakdang umarangkada ang pagbabakuna sa age group na ito sa darating na biyernes, Pebrero 4 ng taong kasalukuyan.

Sabay-sabay aniya itong isasagawa sa Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center Hospital, Manila Zoo, SM North Edsa (Skydome), Fil Oil Gym in San Juan City.

Giit ni Nograles, mahalaga ang pagpapaturok ng vaccine ng mga batang nasa edad lima hanggang 11 dahil bahagi ito ng paghahanda para sa muling pagbabalik ng face to face classes. Kris Jose