PGC sa labs: Magpadala pa ng mas maraming samples sa genome sequencing  

PGC sa labs: Magpadala pa ng mas maraming samples sa genome sequencing  

December 11, 2021 @ 2:04 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Hinikayat ng Philippine Genome Center (PGC) ang mga laboratory sa paliparan, pantalan, at ilang rehiyon sa bansa na magpadala ng mas maraming sample para genome sequence sa gitna ng banta ng pagpasok ng coronavirus disease (COVID-19) variant Omicron.

Sa panayam sa DZMM, iginiit ni PGC Executive Director Cynthia Saloma na mahalaga ang pagpapadala ng samples sa genome sequencing.

Dagdag pa nito, ang nangyayari kadalasan ay hindi nila naaabot ang kapasidad at bilang sa isinasagawang genome sequencing dahil sa mas kaunting sample na naipadadala.

“Kung pwede mga Local Government Unit (LGU) through Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) makipag-ugnayan pa tayo sa DOH at magpadala pa po tayo ng samples because we have enough capacity to sequence them,” dagdag pa ni Saloma.

 “So far from the 18,000 and above na whole genome sequences ng PGC naisagawa some of those coming from our ports of entry others from the different regions of the Philippines wala pa po tayong nadetect na Omicron. We don’t know the data next week but as of now wala pa po tayong nadetect na Omicron.” RNT/FGDC