PGH director pinakaunang tinurukan ng COVID-19 vax

PGH director pinakaunang tinurukan ng COVID-19 vax

March 1, 2021 @ 9:49 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naturukan na ng bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) ng Sinovac ang direktor ng Philippine General Hospital, ang pinakaunang nakatanggap ng bakuna sa bansa.

 

Sumasailalim na sa 30 minutong monitoring si Dr. Gerardo “Gap” Legaspi matapos makatanggap ng COVID-19.

Ang 30-minute monitoring ay upang makita kung may side effect ang naturang bakuna.

Ang kauna-unahang nars naman na legal na nagbakuna kay Dr. Legaspi ay kinilalang si Nurse Chareluck Santos.

“Si Dr. Legaspi ang nanguna sa atin sa laban na ito kaya karapat-dapat lang na siya ang unang tumanggap ng ating bakuna,” ani PGH spokesperson Dr. Jonas Del Rosario.

“Kayong dalawa ay nasa kasaysayan na ng COVID-19,” aniya pa patungkol kina Legaspi atSantos.

Susunod namang babakunahan si Dr. Edsel Salvana at susundan ni Food and Drug Administration Director General Eric Domingo.

 

Nakatakda ring magbakuna ng 100 katao sa PGH sa unang araw ng vaccination program.

 

Tunghayan ang iba pang updates.

RNT/ELM


  •  
  •  
  •