PH 3×3 pro league may sariling “bubble”

PH 3×3 pro league may sariling “bubble”

August 1, 2020 @ 8:37 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Magsisilbing “bubble” at bahay ng Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 pro league ang Inspire Sports Academy sa loob ng bagong campus ng National University (NU) sa Laguna sa pagsisimula ng liga sa September.

Ayon kay league commissioner Eric Altamirano, perpektong lugar para sa 3×3 competition ang NU campus.

“We had to find an isolated area where we can do the bubble and what better place to hold it than INSPIRE Sports Academy?” ani Altamirano.

Pinasinayaan noong isang taon ang pasilidad na may dormitel na binubuo ng 60 rooms at 176 beds, na saktong pasilidad  para i-isolate ang mga manlalaro sa loob ng compound sa kahabaan ng torneo.

Siniguro ng Chooks 3×3 na magsasagawa sila ng masinsinang testing at gagawin ito bago papasukin ang players at staff sa bubble.

“Right before we enter, there’s going to be a series of testing so that is probably five to seven days prior,” ani Altamirano.

“Magkakaroon ng PCR (Polymerase Chain Reaction) testing ang mga player then on the day itself, we’re gonna have a rapid test also so that will ensure us that whoever goes into the bubble will be safe.”

Idinagdag ni Altamirano na naghahanda ang liga ng emergency plans sakaling may magpositibo sa gagawing test. Rico Navarro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...