PH active cases posibleng bumulusok sa 2,000 sa Enero kung…

PH active cases posibleng bumulusok sa 2,000 sa Enero kung…

December 15, 2021 @ 11:02 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health na posible na bumulusok sa 2,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa Enero.

Ito ay kapag patuloy na susundin ng mga Pilipino ang minimum public health standard.

Sinabi ni Health Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman sa isang forum na ang aktibong kaso ay maaari pang bumaba sa 5,953 sa katapusan ng Disyembre, at bababa pa ito sa 1,766 sa katapusan ng Enero kapag masusunod ang MPHS.

Kapag naman bumaba ang pagsunod sa MPHS ng 30%, bababa lang ang aktibong kaso sa 8,600 sa katapusan ng Disyembre, habang 9,338 sa katapusan ng Enero.

“This is still lower than our active cases as of date, but again this slight increase in active cases may continue kung… Ang pagtaas ng ating paggalaw ay masasabayan ng tuloy-tuloy na pagbaba ng ating MPHS compliance,” ayon naman kay De Guzman.

Ang projection ay ginawa habang 11,373 ang aktibong kaso ng COVID sa bansa. RNT