PH active COVID-19 cases bumaba pa sa 2,908

PH active COVID-19 cases bumaba pa sa 2,908

May 16, 2022 @ 2:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Naitala ng Pilipinas ang pinakamababang COVID-19 active cases ngayong taon na nasa 2,908.

Kasama na rito ang 210 na bagong kaso na naitala nitong Linggo, para sa kabuuang 3,688,132.

Pero base sa datos ng Department of Health (DOH), mas mataas ang bagong kaso na naitala kahapon kumpara sa 175 new cases na naitala noong Sabado.

Umabot na sa 3,624,769 ang gumaling sa sakit habang 60,455 ang total death toll.

Samantala, naitala pa rin sa National Capital Region (NCR) ang pinakamaraming bagong kaso sa loob ng dalawang linggo na nasa 894 sinundan ng Calabarzon, 283 at Central Luzon, 247.

Mananatili sa Alert Level 1 ang NCR at iba pang lugar sa bansa hanggang sa Mayo 31, 2022. RNT/ JCM