PH active COVID cases bumaba sa 17,481

PH active COVID cases bumaba sa 17,481

December 7, 2022 @ 7:21 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Martes ng 883 bagong impeksyon sa COVID-19, habang bumaba ang bilang ng aktibong kaso sa 17,481.

Kasunod ito ng limang araw na sunod-sunod na mahigit 1,000 COVID-19 na bagong kaso na naiulat.

Samantala, sinabi ng DOH na bumaba ang aktibong kaso mula sa 17,907 noong Lunes.

Ang nationwide COVID-19 tally ay nasa 4,042,936 na ngayon, sinabi ng Health department.

Sa nakalipas na dalawang linggo, nanatiling pinakamataas na rehiyon ang National Capital Region (NCR) na may pinakamaraming kaso na may 5,152. Sinundan ito ng Calabarzon na may 2,041, Central Luzon na may 1,061, Western Visayas na may 932, at Central Visayas na may 829.

Ang recovery tally ay tumaas sa 3,960,685, habang ang namatay ay umakyat din sa 64,770. RNT