PH Airforce palalakasin ni PBBM

PH Airforce palalakasin ni PBBM

July 3, 2022 @ 11:07 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kasama sa prayoridad ng kanyang administrasyon ang modernisasyon ng “defense assets” ng bansa.

“Our PAF (Philippine Air Force) airmen are our heroes in the air. They shall be equipped with more state-of-the-art fighter planes and armed with more firepower,” ayon kay Pangulong Marcos sa ika-75 anibersaryo ng PAF.

Sa hiwalay na talumpati, nangako naman ang Chief Executive sa harap ng mga airmen sa Clark Air Base, araw ng Biyernes na isusulong niya ang “stronger, bigger, and effective” national air force sa ilalim ng kanyang liderato bilang ika-17 Pangulo ng bansa.

Binigyang diin nito ang pangangailangan para sa mas advanced na “aerial and surveillance capabilities” para sa PAF sa gitna ng nagpapatuloy na territorial dispute sa West Philippine Sea at external threats mula naman sa lokal na komunista at extremist groups.

“The ongoing defense modernization effort is in coordination with the basic prerequisites that would complement this administration’s vision for a stronger, bigger and effective air force capable of defending our sovereign state and assisting our people in times of dire consequences,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos.

Giit pa rin nito ang pangangailangan na i-upgrade ang assets ng PAF hindi lamang para sa “national defense purposes” kundi maging para sa humanitarian assistance at disaster relief operations.

Nauna rito, buwan ng Marso ng taong kasalukuyan nang matanggap ng PAF ang dalawang units ng T-129 ATAK helicopters mula sa Turkey.

Ayon sa Turkish Aerospace Industries, ang T-129 ay isang twin-engine, tandem seat, multi-role, all-weather attack helicopter na ibinase sa Agusta A129 Mangusta platform at idinisenyo para sa advanced attack at reconnaissance mission sa ‘hot and high environments’ at ‘rough geography’ na maaring gamitin mapa-araw man o gabi.

Bahagi ito ng 6 na ATAK helicopters na binili ng Pilipino sa Turkey sa halagang P12.9-billion.

Ayon kay PAF spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano posibleng magamit ang naturang mga helicopter sa susunod na isa hangang dalawang buwan.

Ang 15th Strike Wing ng Philippine Air Force ang magpapatakbo ng T-129 helicopters at gagamitin para sa Close Air Support sa mga ground troops at armadong surveillance at reconnaissance. Kris Jose