PH airports, lagpak sa 100 best airports

PH airports, lagpak sa 100 best airports

March 17, 2023 @ 1:13 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Walang paliparan sa Pilipinas ang nakapasok sa 2023 World Airport Survey’s 100 best airports sa buong mundo.

Sa kabila nito, nanguna naman ang Singapore Changi Airport sa top spot bilang ‘world’s best airport’ matapos maungusan ang Hamad International Airport sa Doha, Qatar na nasa ikalawang pwesto na lamang ngayon, ayon sa survey ng international air rating firm na Skytrax.

Ito na ang ika-labindalawang pagkakataon na kinilala ang Changi Airport bilang world’s best airport ng Skytrax.

Maliban sa dalawang nabanggit na paliparan, kabilang din sa mga nasa taas ng listahan ay ang Haneda Airport sa Japan; Incheon International Airport sa Seoul, South Korea; Paris Charles de Gaulle Airport sa France, Istanbul Airport sa Turkey, Munich Airport sa Germany, Zurich Airport sa Switzerland, Narita International Airport sa Japan at Madrid–Barajas Airport sa Spain.

Ayon sa Skytrax, ang survey ay ayon sa satisfaction survey sa mga biyahero at kanilang airport experience mula sa customer service hanggang sa mga pasilidad ng paliparan. RNT/JGC