PH airspace shutdown pwedeng gamitin ni PBBM sa NAIA privatization-partylist groups

PH airspace shutdown pwedeng gamitin ni PBBM sa NAIA privatization-partylist groups

January 3, 2023 @ 9:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pwedeng gamitin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nangyaring Ninoy Aquino International Airport (NAIA) glitch para isulong ang pagsasapribado ng paliparan, ayon sa party-list groups na Bayan Muna at ACT Teacher.

“The Civil Aviation Authority of the Philippines’ (CAAP) suspiciously vague statement of a ‘technical issue’ in the navigation system, without any backup system for cases like this, shows the government’s utter lack of competence to ensure public transport,” ani Bayan Muna chairman Neri Colmenares.

“This breakdown can now be used by Pres. Marcos as a justification to pursue (former) Pres. (Rodrigo) Duterte’s disastrous program of privatization,” dagdag pa niya.

Matatandaan na ang mga domestic at international flights papunta at mula sa NAIA noong Enero 1 ay naantala, nakansela, o inilihis sa ibang mga regional airport dahil sa pagkawala ng kuryente at teknikal na isyu sa air traffic control, na nakakaapekto sa libu-libong mga pasahero.

Sinabi ni Colmenares na ang solusyon ay dapat na mas maraming paggasta ng gobyerno sa mahusay na pampublikong transportasyon dahil ang pagsasapribado ng mga ari-arian ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga tiwaling opisyal na “magkamal ng yaman sa pamamagitan ng mga suhol sa pagbebenta ng mga underpresyong ari-arian ng gobyerno.”

Hirit pani Colmenares na dapat may managot sa insidente kaysa magamit ang isyu “to justify another sale of a government asset and increase airline rates.”

Para naman kay House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro, na ang “timing is quite fishy” habang inanunsyo ng Department of Transportation na hinahabol ng administrasyong Marcos ang pagsasapribado ng paliparan sa Disyembre 30, ilang araw lang bago ang nasabing glitch.

“Di natin masisisi ang mamamayan na mag-isip na ito ay sinadya para mapabilis ang pagbebenta nito kahit di kinukonsulta ang mamamayan at ipaliwanag ang ireresulta nitong pagtaas pa ng singil sa pasahe sa eroplano,” anang solon.

“Hindi ba nila natutunan ang kanilang leksyon na ang pribatisasyon ay nangangahulugan lamang ng mas mataas na bayad para sa mga mamimili?” giit pa niya.

Samantalaa, sinabi ni Sen. Grace Poe, head ng Senate committee on public services, na magsasagawa ang Senado ng imbestigasyon sa insidente. RNT