PH Army athletes suportado ni Brawner

PH Army athletes suportado ni Brawner

December 23, 2022 @ 3:01 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Siniguro ni Philippine Army (PA) commander Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. na lahat ng mga atleta na miyembro nito ay bibigyan ng suporta upang patuloy na makapagbigay-karangalan sa bansa.

Ang pahayag na ito ni Brawner ay matapos ang pagbisita ni champion boxer, Pvt. Charly Suarez, sa Army headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City nitong Huwebes, Disyembre 22 upang pasalamatan ang pamunuan ng PA sa walang-sawang suporta sa kanyang mga nagdaang laban.

“Lt. Gen. Brawner discussed that the Army constantly recognizes individual skills and capabilities to empower them to do the best they can for the country. The Army chief also assured the Special Service Center, Installation Management Command that the command will continue to optimize the utilization of funds that would help with the Army boxer’s developing career,” pahayag ni PA spokesperson Col. Xerxes Trinidad nitong Biyernes, Disyembre 23.

Kabilang sa magiging suporta sa Army atheletes ay mas maraming training at exposure dito sa bansa o maging sa ibang bansa, kasama ng iba pang skills enhancement activities.

Kamakailan ay nakuha ni Suarez ang International Boxing Federation (IBF) Asia Junior Lightweight belt nang talunin niya ang Indonesian opponent na si Defry Palulu sa pamamagitan ng technical knockout (TKO) sa Vietnam noong Disyembre 10.

“The Army champion boxer said his latest victory will usher toward a world boxing championship belt next year. Pvt. Suarez’s professional boxing record remained unblemished with 14 wins, 0 losses, and seven knockouts. Pvt. Suarez is coached by Army reservist 1st Lt. Delfin Boholst,” ani Trinidad. RNT/JGC