PH at Russian Navy, pinag-usapan ang draft MOU para sa pagpapaigting ng ‘security cooperation’

PH at Russian Navy, pinag-usapan ang draft MOU para sa pagpapaigting ng ‘security cooperation’

August 5, 2018 @ 9:52 AM 5 years ago


 

 

Manila, Philippines – Sinimulan na ng Philippine at Russian navies ang diskusyon para sa draft ng memorandum of understanding (MOU) para sa pagpapaigting ng ‘security cooperation’ sa ginanap na makasaysayang pagpupulong noong nakaraang linggo sa Russian port city, St. Petersburg.

Nakipagkita si Philippine Navy Chief Vice Admiral Robert A. Empedrad kay Chief Admiral Vladimir Ivanovich Korolev para sa selebrasyon ng Russian Navy Day noong Linggo, July 29.

Sinama rin ng Philippine Navy delegation sina Philippine Fleet Commander Rear Admiral Danilo R Rodelas at Philippine Defense Attaché to Russia, Colonel Dennis Pastor.

Ayon sa statement mula sa Naval Public Affairs Office, ibibigay ni Korolev ang kaniyang suporta sa upgrade program ng Philippine Navy, “in terms of training, maintenance and sustainment of future acquisition, particularly its submarine acquisition project.”

Binanggit din ni Korolev ang pagsasagawa ng “joint Humanitarian and Disaster Relief training and regular visits of ships,” sa inilabas na statement.

Ayon sa Philippine Navy, ang opisyal na pagbisita sa Russia ay isang paraan para mapalawak ang pakikipag-ugnayan ng bansa sa iba pang navies.

“These engagements are building blocks for closer cooperation in areas of mutual concern such as combating terrorism, violent extremism and transnational crimes, the conduct of humanitarian assistance and disaster response,” sabi pa sa statement.

Ang Main Naval Parade sa St. Petersburg ay isinagawa bilang komemorasyon sa mahigit na tatlong siglong mayamang kasasayan ng Russia kung saan ang pederayon ng Russia ay binigyan ng pagkilala ang mga miyembro ng Russian Navy at binigyan din ng pagkakataon para maipamalas ang lakas at kakayanan nito. Remate News Team