PH athletes nalungkot sa pagkansela ng SEA Games

PH athletes nalungkot sa pagkansela ng SEA Games

July 9, 2021 @ 11:15 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nalungkot ang mga alteta ng bansa dahil sa pagkensala nang nakatakdang 2021 Southeast Asian Games sa Vietnam dahil sa patuloy na problema sa COVID-19.

Naging pamatanyan ng Vietnam sa pagkansela ng SEA Games ang bantang dala ng COVID-19 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso nito sa kanilang bansa.

Matatandaang malalim na pinag-isipan ng Vietnam ang kanilang desisyon dahil maraming SEA member na bansa ang tumutol sa desisyong pansamantalang ikansela ang SEA Games.

Kinumpirma ni Philippine Olympic President Abraham “Bambol” Tolentino ang balita matapos ang pagdalo nito ng pagpupulong ng kinatawan ng Southeast Asian Games Federation.

Ayon sa ulat, itinakdang muli ang SEA Games sa susunod na taon kung saan may sampung araw ang Vietnam upang magdesisyon sa para sa bagong petsa ng biennial meet.

Inaasahang sa kalagitnaan ng 2022 ito gawin o maaring sa Setyembre sa susunod na taon.Rico Navarro