PH-China joint oil-gas project sa WPS, ituloy-Padilla

PH-China joint oil-gas project sa WPS, ituloy-Padilla

July 22, 2022 @ 8:05 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Para matugunan ang problemang sanhi ng pagtaas ng presyo ng langis dahil sa pandaigdigang pangyayari tulad ng giyera ng Russia at Ukraine, dapat ituloy ng Pilipinas at Tsina ang pag-uusap para sa joint oil-gas development sa West Philippine Sea.

Iginiit ito ni Sen. Robin C. Padilla sa kanyang Senate Resolution No. 9, kung saan nabanggit nito ang Memorandum of Understanding on Cooperation on Oil and Gas Development ng Pilipinas at Tsina noong Nobyembre 20, 2018.

“Now therefore, be it resolved, as it is hereby resolved, urging President Ferdinand R. Marcos Jr. to resume the bilateral talks with the People’s Republic of China for the purposes of cooperation on oil and gas development in the West Philippine Sea,” ani Padilla sa kanyang resolusyon.

“The Philippines requires a long-term strategy to resolve its oil dependency from foreign sources as the country is vulnerable to the negative effect of the skyrocketing oil prices dictated by the world market’s reaction to the Russia-Ukraine conflict,” dagdag ng mambabatas.

Ayon kay Padilla, hindi makapipinsala ang MOU – na ayon sa dating Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ay terminated na – sa mga “legal positions” ng Pilipinas, kasama ang sovereign rights nito sa West Philippine Sea.

“The parties further understand that the MOU shall not be prejudicial to ‘respective legal positions’ which ‘does not create rights or obligations under international or domestic law’ and as such, there is no derogation of the Philippines’ assertion of its sovereign rights in the West Philippine Sea,” aniya.

Dagdag ni Padilla, ang pagpapatupad ng MOU ay sang-ayon sa “valid exercise of the executive powers of the President” sa ilalim ng Sec. 1, Art. VII ng Saligang Batas.

Ayon din sa kanya, pinapayagan ng Sec. 2 Art. XII ng Saligang Batas ang “co-production, joint venture or production-sharing agreements on petroleum and other mineral oils and all forces of potential energy.”

“The new administration has the opportunity to resume the bilateral talks with the People’s Republic of China for purposes of cooperation in the WPS on gas and oil development without bargaining the sovereign rights of the Philippines on the disputed territories therein,” ipinunto ni Padilla.

“In view of the gains attained from the MOU where the GRP and PRC cooperated on the terms provided therein on the gas and oil development in the WPS, the new administration can further explore these common interests of cooperation to resolve the country’s oil dependency from foreign countries,” dagdag nito.

Samantala, naghain ng Senate Bill 229 si Padilla na nagmumungkahing suspindihin ang excise tax sa unleaded premium gas, regular gas at diesel oil para tugunan ang mataas na presyo ng langis.

Ayon sa panukalang batas na aamyendahan ang Section 148 ng National Internal Revenue Code, ang excise tax sa naturang mga produkto ay susupindihin kung ang average Dubai crude oil price base sa Mean of Platts Singapore (MOPS) ay aabot o lalampas sa US$80 per barrel sa tatlong buwan. Ernie Reyes