PH-China relations palalalimin

PH-China relations palalalimin

November 12, 2022 @ 5:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nagkasundo sina Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. at Chinese Premier Li Keqiang, araw ng Sabado na mas laliman pa ang partnership o samahan  ng Pilipinas at China.

Sa isang kalatas, sinabi ng Office of the Press Secretary na sina Pangulong Marcos at Li ay nagkaroon ng maikling pag-uusap sa sidelines ng  Association of the Southeast Asian Nations (ASEAN)-Plus Three Summit sa Phnom Penh, Cambodia.

Sinabi ng Malakanyang, nakatakdang bisitahin ni Pangulong Marcos ang  China sa unang bahagi ng Enero  2023 dahil na rin sa imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping para sa isang  state visit.

Ang state visit ni Pangulong Marcos sa China ay mula Enero 3 hanggang 5 o 6, 2023.

Sinabi naman ni Li  na naniniwala siya na kailangan na nagpapatuloy ang paglago ng ugnayan ng China at Pilipinas, Binigyang-diin ang pagkakaron ng bansa ng kanilang denominator “far outweighs” sa kanilang differences, kung saan sinang-ayunan ng lider ng Pilipinas.

“I absolutely agree. And I thank you for remembering my father and his initiative to come to China and it was he after all who made the Philippines and China family,” ang sinabi  ni Pangulong Marcos kay  Li.

Inalala ang nagdaang kondisyon ng China, sinabi ni  Li na kumuha muna ng lakas ng loob ang ama ni Pangulong Marcos na si dati at namayapang Pangulo ng bansa na si Pangulong Ferdinand Marcos Sr., para bisitahin ang  China noong panahon na iyon.

“It did, but it was something very important to us… He has been proven right because the partnership with China has been a great benefit to both our countries,” ayon kay Pangulong Marcos, tinutukoy ang 1975 visit sa China ng kanyang ama.

“So I look forward to discussing all of these when I come to visit in January,” dagdag na wika ni Pangulong Marcos.

Looking forward naman si Li na makatrabaho ang Pilipinas na pinaninindigan ang pagkakaisa at kooperasyon sa pagitan ng China at ASEAN.

Looking forward din si Li na makatrabaho ang Pilipinas at iba pang bansa sa  ASEAN para sa  peace and stability sa South China Sea, paggalang sa  “mutual respect” at paggalang  para sa  Declaration on the Conduct of Parties saSouth China Sea at international laws, kabilang na ang 982 United Nations Convention on the Law of the Sea.

“And also let’s work together for successful meetings,” wika ni Li.

Ang ASEAN-Plus Three ay kinabibilangan ng 10 ASEAN member states, China, Japan at Republic of Korea. Kris Jose