PH-China ties pinuri ni Andanar

PH-China ties pinuri ni Andanar

June 26, 2022 @ 10:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pinuri ni Communications Secretary Martin Andanar  si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa pagpapalakas, pagpapatibay at mas lalong pinalalalim na  relasyon ng Pilipinas sa China.

Nakatakda kasing magtapos ang termino ni Pangulong  Duterte  sa Hunyo  30.

Ipinahayag ito ni Andanar  sa isinagawang virtual 6th Manila Forum for Philippines-China Relations, araw ng Biyernes, Hunyo  24.

Sa kanyang pahayag,  binalikan ni Andanar kung paano  umikot ang  relasyon sa pagitan ng dalawang bansa  simula nang maupo bilang Pangulo si Duterte.

“The China-Philippine relationship has been placed on a better platform…than what we experienced the last six years,” ayon kay Andanar.

Partikular na pinasalamatan ni Andanar sa China ang donasyon nitong bakuna laban sa Covid-19 noong nakaraang taon.

“We are once again grateful to China, our friend for more than a thousand years, for helping us through these challenging and tough times,” Andanar said.

“With the vaccines [that] China has donated, we were able to start our healing and economic recovery as a people and nation during the beginning of the pandemic,”  dagdag na pahayag nito. Kris Jose