PH clinical trial sa Ivermectin, hindi na itutuloy!

PH clinical trial sa Ivermectin, hindi na itutuloy!

May 21, 2022 @ 3:19 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hindi na itutuloy ng bansa ang clinical trial sa kontrobersiyal na anti-parasitic drug na Ivermectin bilang COVID-19 treatment.

Ito ang kinumpirma ni Department of Science and Technology Secretary Fortunato de la Peña batay na rin sa rekomendasyon ng Department of Health at ng Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) governing council.

Ayon kay De la Peña, napagdesisyunang huwag nang ituloy ang pag-aaral hinggil sa bisa ng Ivermectin bilang gamut sa COVID-19 dahil na rin sa pagkaantala sa deliverables at kawalan ng clinical benefits nito base sa mga naunang pag-aaral, gayundin ang issuance ng rekomendasyon laban sa paggamit nito at availability ng effective therapeutics para sa early phases ng COVID-19.

Matatandaang naging mainit na debate ang paggamit ng Ivermectin kasunod ng apela ng ilang doktor na gawain itong available sa mga COVID-19 patients noong kasagsagan ng pandemya, bagay na hindi naman sinang-ayunan ng gobyerno dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya. RNT/ JCM