PH consular team nasa Ukraine na vs ‘Russian invasion’ – DFA

PH consular team nasa Ukraine na vs ‘Russian invasion’ – DFA

February 21, 2022 @ 12:45 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Nagpadala na ang gobyerno ng Pilipinas ng consular team sa Ukraine para mangasiwa ng requests para sa paglilipat o pagpapa-uwi ng dose-dosenang Filipino na nagnanais na lisanin ang nasabing bansa.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs na nagbabala kasi ang Estados Unidos na nananatili pa ring posible ang Russian invasion.

“Now in Ukraine’s Western city of Lviv, the two-man team from the Philippine embassy in Warsaw, Poland would ensure faster coordination with the Filipino community and relevant authorities in the country,” ayon kay DFA.

Tinatayang may 380 Filipino ang nakatira sa Ukraine, karamihan sa mga ito ay nasa Kyiv at matatagpuan sa malayong lugar mula sa eastern border na malapit sa Russia.

“Two personnel from the embassy, composed of a Consul and an ATN Officer, in coordination with the Philippine Honorary Consulate General in Kyiv, arrived in Lviv last Thursday. The embassy team immediately established an emergency contact base,” ang pahayag ng DFA.

Nauna rito, inanunsyo ni Russian President Vladimir Putin ang pagbaba ng ilan sa tropa nito mula sa border ng Ukraine, subalit sinabi ng mga US officials na kailangan pa nilang iberipika muna ang pahayag nito, sinabi ni President Joe Biden na ang Russia “is still in a very much threatening position.”

Sinabi ng DFA na nakipagkita na ang consular team sa dalawang grupo ng mga Filipino na inilipat sa Lviv area mula Kyiv bilang precautionary measure.

Isa pang panibagong grupo ng mga Filipino nationals ang pansamantalang inilipat sa Ivano-Frankivsk area mula Kyiv na nakipagkita rin sa mga consular officers.

“The team will continue to monitor the situation in Ukraine as well as connect with the Filipinos in the country who have registered with the embassy in Poland, which has jurisdiction over Ukraine. Manila has no embassy in Ukraine,” ayon sa DFA.

Noong nakaraang linggo, ang first batch ng 6 na pinoy na humingi ng Philippine government assistance para sa repatriation, ay nakabalik na ng Maynila mula Ukraine.

Sinabi ng DFA na ang Philippine Honorary Consulate General sa Kyiv ay tumutulong din sa consular team sa pag-aayos ng repatriation o pagpapauwi sa mga Filipino na nag-avail ng voluntary repatriation program ng gobyerno ng Pilipinas mula Ukraine. Kris Jose