PH consulate sa New York: 70% ng balota naipadala na sa mga botante

PH consulate sa New York: 70% ng balota naipadala na sa mga botante

April 21, 2022 @ 1:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Naipadala na ng Philippine Consulate General sa New York ang 70 porsyento ng mga balota sa mga Pilipinong overseas voters sa ilalim ng hurisdiksyon nito, ayon kay Consul General Elmer Cato nitong Huwebes.

“As of this evening, we already have sent out almost 70 percent. So confident naman po kami na mapapadala namin lahat ng balota to our kababayan [So we are confident that we will be able to mail the ballots to our fellow Filipinos] here in the United States Northeast before the end of the week,” pahayag ni Cato.

“Kahit na may na-COVID po sa ‘min, yung natitira samin, nandito pa rin, nandito sa konsulado ngayon. We’re trying to do everything we can para makuha ng ating mga kababayan ang kanilang mga balota,” dagdag niya.

Aniya, ilan sa mga balota na naipadala ng konsulado noong nakaraang linggo ay naibalik na.

Kasalukuyang suspendido ang consular services ngayong linggo dahil sa pagkakasapul ng mga tauhan ng konsulado sa COVID-19. Subalit patuloy na aarangkada ang overseas voting operations dito. RNT/SA