PH COVID-19 cases, 296,755 na; 36 patay, 2,180 dagdag-kaso

PH COVID-19 cases, 296,755 na; 36 patay, 2,180 dagdag-kaso

September 24, 2020 @ 4:05 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Umakyat na sa 296,755 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health, karagdagang 2,180 ang bagong mga kaso ngayong Setyembre 24.

Sa nasabing bilang, 1,825 ang naitala mula September 11 hanggang September 24.

Ang top regions na may naitalang mga kaso ay ang NCR na may 617, Region 4A, 588 at 156 sa Region 6.

Habang umabot na rin sa 231,928 ang kabuuang bilang ng recoveries matapos makapagtala ng karagdagang 580 na bagong gumaling sa sakit.

Nasa 36 naman ang nadagdag sa mga nasawi dahilan para umabot na sa kabuuang 5,127 ang COVID-19 related deaths.

Nasawi ngayong September ang 23 habang 7 noong August, tig 2 noong July, June; tig 1 naman noong May at April.

Mula naman sa NCR ang  15 sa mga pumanaw, tig 7 sa Region 6 at 7; 2 sa Region 4A, tig 1 sa Region 1, 3, 9, 12 at ROF. Jocelyn Domenden Tabangcura


  •  
  •  
  •  

Loading...