PH COVID-19 reproduction number sumadsad sa 0.76 – OCTA

PH COVID-19 reproduction number sumadsad sa 0.76 – OCTA

October 7, 2021 @ 6:36 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Sumadsad pa sa 0.76 ang COVID-19 reproduction number ng Pilipinas, ayon sa OCTA Research Group.

Ito ay mula sa 0.83 na reproduction number nitong mga unang araw ng linggo, indikasyon ng patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa, dagdag pa ng grupo.

“New cases in the Philippines continued on a downward trend as the seven-day average dropped to 12,455, from Sept. 30 to Oct. 6,” saad sa tweet ni OCTA Research fellow Dr. Guido David.

“The reproduction number decreased to 0.76 while the one-week growth rate was at -26 percent,” dagdag pa ng eksperto.

Ipinunto pa ni David na patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon, pero patuloy ang pagtaas ng kaso sa Northern Luzon.

Pagtataya pa ni David na sa susunod na linggo maaaring 10,000 na lang ang maging arawang kaso ng COVID-19 sa bansa.

“At the current pace, the seven-day average of new cases could decrease to less than 10,000 per day by next week,” ani David. RNT


  •  
  •  
  •