PH COVID active cases bumaba sa 17,049

PH COVID active cases bumaba sa 17,049

November 24, 2022 @ 7:25 AM 3 days ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 703 bagong impeksyon sa COVID-19 habang ang mga aktibong kaso ay bumaba pa sa 17,049.

Dahil dito, ang COVID-19 caseload ng bansa ay nasa 4,028,187 nationwide, na may 3,946,634 recoveries at 64,504 na namatay.

Ang mga bagong naitalang impeksyon ay mas mababa pa rin kaysa sa average na pang-araw-araw na impeksyon na naitala mula Nob. 14 hanggang 20 sa 1,296, gayundin ang mga naitalang kaso noong Martes na nasa 695.

Patuloy na nangunguna ang Metro Manila sa listahan ng mga rehiyon na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo sa 382 na kaso. Sinundan ito ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon) na may 1,973 impeksyon, at ang Western Visayas na may 1,444.

Sa mga indibidwal na lugar na may pinakamaraming kaso, nangunguna na ngayon ang Cavite na may 704 na impeksyon na tinalo ang Quezon City na kasalukuyang mayroong 689, gayundin ang Maynila na may 495.

Samantala, 13,858 na pagsusuri ang isinagawa noong Martes. Ang mga resulta ng mga pagsusuri ay makikita sa bilang ng mga kaso na naitala noong Huwebes. RNT