PH COVID cases, nadagdagan ng 2,321

PH COVID cases, nadagdagan ng 2,321

October 17, 2022 @ 6:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagtala ang Department of Health (DOH) nitong Linggo ng 2,321 bagong kaso ng COVID-19, na tumaas sa kabuuang nationwide caseload sa 3,982,965.

Ito na ang ika-15 sunod na araw na mas kaunti sa 3,000 bagong kaso ang naitala, gayundin ang ikaapat na sunod na araw ng mahigit 2,000 bagong kaso.

Batay sa pinakahuling datos ng DOH, bumaba ang active cases sa bansa sa 26,003 mula sa 26,404 noong Sabado.

Gayunpaman, ito ang ikaapat na sunod na araw na ang mga aktibong impeksyon ay higit sa 25,000.

Umakyat sa 3,893,452 ang bilang ng mga nakarekober habang 33 naman ang nasawi sa 63,510. Ito na ang ika-13 sunod na araw kung saan mahigit 30 ang nasawi.

Ayon sa DOH, ang rehiyon na may pinakamaraming kaso sa nagdaang dalawang linggo ay ang National Capital Region na may 10,399 sinundan ng Calabarzon na may 5,228 at Central Luzon na may 2,745.

Sinabi ng DOH na hindi bababa sa 12,606 na indibidwal ang nasuri, habang 320 testing lab ang nagsumite ng data noong Oktubre 15.

Dagdag pa na ang bed occupancy sa bansa ay 25.7%, na may 7,336 na kama ang okupado, habang 21,263 ang bakante. Jocelyn Tabangcura-Domenden