PH COVID cases nadagdagan ng 9,069 mula Nov.7-13

PH COVID cases nadagdagan ng 9,069 mula Nov.7-13

November 14, 2022 @ 6:20 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Mula Nobyembre 7 hanggang 13, ang Department of Health (DOH) ay nakapagtala ng 9,069 na bagong kaso sa bansa.Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 1,296.

Mas mataas ng 43 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Oktubre 31 hanggang Nobyembre 6.

Sa mga bagong kaso, 6 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Samantala, mayroon namang naitalang 113 na pumanaw kung saan 41 ay naganap noong Oktubre 31 hanggang Nobyembre 13.

Noong ika-13 ng Nobyembre 613 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19.

Sa 2,465 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 524(21.3%) ang okupado.

Habang, 5,363(25.8%) ng 20,825 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Target na mabakunahan ang higit sa 73 milyong indibidwal o 94.29% ng populasyon laban sa COVID-19 habang 20 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

Sa kabilang banda, 6.9 milyong senior citizens o 79.42% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series. Jocelyn Tabangcura-Domenden