PH COVID immunity target maaaring itaas sa banta ng Omicron- DOH exec

PH COVID immunity target maaaring itaas sa banta ng Omicron- DOH exec

December 5, 2021 @ 2:36 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Maaaring itaas ng Pilipinas ang coronavirus disease (COVID-19) immunity targenito mula 70 porsyento ay gawing 100 porsyento ng populasyon ng bansa upang mapigilan ang pagkalat ng  mga sumusulpot na bagong variants ng virus, ayon sa opisyal ng Department of Health nitong Linggo.

Sa panayam sa dzBB, sinabi  ni DOH Undersecretary Leopoldo Vega na kaya lamang protektahan ng 70 porsyentong herd immunity target ang mga natamaan ng matinding impeksyon mula sa orihinal na virus strain.

“Yung 70% yun yung sa original strain ng virus natin yung SARS-CoV-2. Ngayon nagkakaroon ng maraming variant, kailangan taasan ang herd immunity. In fact, target natin 90% or kung puwede 100%,” ani Vega.

Nitong Disyembre 4, nakasaad sa National COVID-19 Vaccination Dashboard na nakapagtala ang bansa ng 37 milyong fully-vaccinated na mga indibidwal.

Hinikayat din ni Vega ang publiko na magpabakuna.

“Ito ang isang pamamaraan na maka-stop sa transmission or viral loads ng COVID-19 sa isang tao,” tugon ni Vega nang tanungin ukol sa plano ng pamahalaan upang masugpo ang pagkalat ng Omicron variant. RNT/SA