PH debt-to-GDP ratio lumobo sa 63.5%

PH debt-to-GDP ratio lumobo sa 63.5%

May 13, 2022 @ 2:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Lumobo na ang debt-to-GDP ratio ng Pilipinas sa 63.5 porsyento noong Marso mula sa 60.4 porsyento noong Disyembre, batay sa datos ng pamahalaan.

Ito ang pinakamataas simula noong 2005 nang pumalo ang debt ratio sa 65.7 porsyento. Bago pa magkaroon ng pandemya, naglalaro lamang ito sa 40 porsyento.

Lumampas din ito sa international debt-to-GDP threshold na 60.4 porsyento.

Hanggang sa pagtatapos ng Marso, sumampa na ang utang ng bansa sa P12.68 trilyon dahil sa  kinakailangang pondo ng gobyerno sa pandemic response at sa Build, Build, Build program ng administrasyon.

Ayon naman sa economic managers, nananatiling “manageable” ang kasalukuyang utang ng bansa basta at mapanatili rin ang muling pag-usbong ng ekonomiya. RNT/SA