PH defense system paiigtingin sa pagbili ng modern air assets – PBBM

PH defense system paiigtingin sa pagbili ng modern air assets – PBBM

March 7, 2023 @ 5:20 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Kumpiyansang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pagbili ng  modern aircraft ng Philippine Air Force (PAF) ay ganap na makapagpapabuti sa  defense systems ng bansa.

“While these equipment will boost the readiness of our Air Force to respond to any contingency, there is still a need to further improve our capabilities to effectively cover our territory.  Equally important is to ensure the airworthiness of Air Force assets and the corresponding training of crew and personnel to guarantee the safety of all,” ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang flight capability demonstration ng FA-50PH fighter jets at turn-over at blessing ceremony ng  C295 Medium Lift Aircraft sa Clark Airbase sa Mabalacat City, Pampanga.

“Hence, it is this administration’s will to remain steadfast in pursuing our modernization efforts,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Sa kabilang dako, pinuri naman ng Pangulo at kinilala ang pagsisikap ng PAF sa pagpapatupad ng Republic Act 10349 o Revised AFP (Armed Forces of the Philippines) Modernization Program, tinukoy  ang pagbili ng  tatlong C295 Medium Lift Aircraft na nagsimula noong  2022.

“This attests to the progress of our nation in upgrading our defense capabilities,” ani Pangulong Marcos.

Gawa ng  Airbus Defense and Space, ang twin-turboprop transport aircraft ang pinakabagong generation ng  tactical airlifter sa  light at medium segment na gagamitin sa iba’t ibang misyon gaya ng  medical evacuation, paradrop/airdrop, civic at humanitarian airlift mission.

Pinasalamatan din ng Pangulo ang gobyerno ng Spain para sa pagtulong sa PAF  sa pagpapalakas ng defense posture ng Pilipinas.

Tinukoy pa ng Pangulo na ang  archipelagic nature at geostrategic location ng bansa ay “both a blessing and a challenge” as it requires the government to “constantly adapt to become more mobile and agile.”

“To this end, our FA-50PH Fighter Jets shall improve our maritime patrol capability, aid our Air Force in monitoring the developments within the Philippines’ Exclusive Economic Zone and provide close air support to our combat troops,” ang wika ng Pangulo sabay sabing ang bansa ay nahaharap din sa climate-related hazards, gaya ng bagyo at lindol.

“Through the additional C295 aircraft, the AFP will be able to provide more responsive support to government agencies, especially in emergency situations and on humanitarian assistance and disaster response operations,” ayon kay Pangulong  Marcos. Kris Jose